Miyerkules, Pebrero 17, 2016

IPAD, IPHONE o IPON?
Sa panahon natin ngayon, halos every month ay mayroong mga bagong inilalabas na mga modelo ng iba't-ibang uri ng gadget. Mapa laptop, tablet, telepono at kung anu-ano pang mga gadgets. In fact, sa newsfeed ng aking Facebook, walang araw na lilipas na hindi ako makakakita ng aking mga friendship na mag po-post ng kanilang bagong acquired na gadget, particularly mga smart phones. "At last I have U!" wika ng isa, "A gift for myself", "My new toy" - for sure kayo rin na may mga Facebook accounts, may nakikita rin kayong mga ganitong posts sa inyong newsfeed.
---------------------------------------------------------------------------------------
There's nothing wrong with that naman. Syempre each one of us has our own prerogatives diba? Choice nya yun e. Karapatan nya yun.
---------------------------------------------------------------------------------------
Kagaya ng kakilala kong babae. Naka I-phone, I-pad, laptop, may home theatre, pero hindi duon nagtatapos ang description ng buhay nya. Nangungupahan din sya, may trabaho sya, minimum wage earner. may tatlong anak at syempre pa, may-asawa. May trabaho naman ang asawang lalaki kahit paano, trabaho nya ang tomoma, magpabili kay misis ng ganito at ganoon, at madalas nga, buong araw syang nagpapagod sa kanyang Clash of the Clans. Mahilig din silang mamasyal at kumain sa labas.
---------------------------------------------------------------------------------------
What am I pointing out here? Majority sa atin, walang alam sa tamang pag handle ng kanilang finances. Ito ang madalas na dahilan kung bakit maraming Pilipino ang nababaon sa utang o kaya naman ay nahihirapan sa buhay. Ito rin ang dahilan kung bakit marami sa ating mga kababayan ang hindi masaya sa uri ng pamumuhay mayroon sila.
---------------------------------------------------------------------------------------
Nauuna kasi sa atin ang luho, ang kagustuhan at hindi ang kailangan. Marami once na marinig na may ilalabas na bagong modelo ng Samsung o ng Apple, talaga namang unahan sa pagbili, kahit utang pa yan, basta't magkaroon lang sila ng ganon. Kasi nga naman hindi "in" pag hindi uso ang gamit na gadget. Kaya pagdating ng bayaran, di magkandaugaga sa paghahanap ng iba na namang mauutangan. Kaya ayun, dumadating sila sa punto na hindi na nila namamalayan, mas malalim pa pala ang hukay na nahukay nila dahil sa pagkakautang nila kaysa sa hukay na paglilibingan sa kanila. At inaamin ko isa ako dati diyan, utang dito utang diyan mabili lang ang luho o kagustuhan, malakas ang loob ko kasi alam ko kaya ko naman bayaran, pero diko namalayan... Ayun na... hnggang sa dumating kame sa point na walang wala kame, may income naman kame pero palage parin nagkukulang, kaya uutang na naman... kaya lagi ko tinatanong sa sarili ko bakit kaya anong problema?, hanggang na-realize ko na lahat pala ng income na pumapasok sa amin ay lumalabas din agad at ang masama pa mas malaki pala ang lumalabas kesa sa pumapasok.
---------------------------------------------------------------------------------------
So that time ako nag-isip, nag-aral at nagbasa ng mga kailangan kong gawin para mabago ang pamumuhay na naka-ugalihan ko, nilista ko yung mga mali kong ginagawa o gawain at tsaka ako nagplano kung ano ano ang mga dapat kong gawin para mabago hindi lang ng buhay ko pero most especially para mabago ang buhay ng pamilya ko, lalo na ang anak ko, sila yung dahilan ng lahat... and now masaya ako at unti-unti ko na nakakamit yung pangarap ko para sa pamilya ko.
---------------------------------------------------------------------------------------
Walang bagay na mahirap gawin, basta umpisahan mo lang and there is no point starting a new kung ikaw mismo sa sarili mo ay hindi talagang desidido. Ano yun? Hindi kasi sapat na sabihin mo na desidido ka talaga. Hindi duon nagtatapos iyon. Hindi pagkatapos mong sabihing, "oo, desidido akong mabago ang buhay ko" ay gaganda na nga ang buhay mo. It's not like that. It is a process...
---------------------------------------------------------------------------------------
Now my question is...how decided are you to change your life and how much efforts can you give? Kasi kahit may pera ka, kung hindi ka naman ganoon ka-desidido, ayaw ko ding maging mentor mo. Magsasayang lang ako ng oras sa iyo. Kasi para sa akin, isang napakalaking achievement na ang makita ko na ang tinuturuan ko ay ma-achieve nya fully ang pagbabago na nais nyang mangyari sa kanyang buhay. Adhikain ko na makatulong kahit na sa pinaka maliit na paraan upang maitaas ang antas ng pamumuhay ng mga tao na talagang ibig mabuhay ng maayos at matiwasay.
---------------------------------------------------------------------------------------
Ikaw, ano ang inuuna mo I-PAD, I-PHONE o I-PON? Kung anoman ang sagot mo, tanging ikaw lang ang makakaalam. Ang tanging alam ko lang, kung ano ang ginagawa mo, ito ang lumalabas na priority mo. Sabi nga, action speaks louder than words.
---------------------------------------------------------------------------------------
PS - Pagod ka na bang mapagod? Hirap ka na bang mahirapan?
Kung pagod ka ng mapagod, kung hirap ka ng mahirapan, naghahanap ako ng mga taong willing makinig para matuto, at willing gawin yung mga kaylangang gawin para mabago ang buhay nila.
---------------------------------------------------------------------------------------
Kung wiling kang matuto at gawin yung kaylangang gawin, I’m willing to show you kung ano yung susunod na gagawin mo...
---------------------------------------------------------------------------------------
You Can Start Here: http://www.michaelaquinomarcos.com
Click Here To Watch The FREE Videos Now